Wednesday, August 4, 2021

Kung ikaw ay mamatay ngayon, sigurado kaba kung saan ka mapupunta sa kabilang buhay? Hayaang ipakita namin sayo kung ano ang sinasabi ng Biblia at malalaman mo ng sigurado.


l ) Makasalanan tayong lahat
MGA TAGA ROMA 3:23 Sapagka't ang lahat ay nangagkasala nga, at hindi nangakaabot sa kaluwalhatian ng Dios;

2) Kamatayan ang pambayad natin para sa ating kasalanan
MGA TAGA ROMA 6:23 Sapagka't ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; datapuwa't ang kaloob na walang bayad ng Dios ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus na Panginoon natin.

3) Nararapat tayong lahat na mapunta sa impiyerno ayon sa bibliya
PAHAYAG 21:8 Nguni't sa mga duwag, at sa mga hindi mananampalataya, at sa mga kasuklamsuklam, at sa mga mamamatay tao, at sa mga mapakiapid, at sa mga manggagaway, at sa mga mapagsamba sa diosdiosan, at sa lahat na mga sinungaling, ang kanilang bahagi ay sa dagatdagatang nagniningas sa apoy at asupre; na siyang ikalawang kamatayan.

4) May pag-asa sa pamamagitan ng dugo ni Hesukristo
MGA TAGA ROMA 5:8 Datapuwa't ipinagtatagubilin ng Dios ang kaniyang pagibig sa atin, na nang tayo'y mga makasalanan pa, si Cristo ay namatay dahil sa atin.

5) Magtiwala kay Hesukristo.
MGA GAWA 16:30-31 sila'y inilabas at sinabi, Mga ginoo, ano ang kinakailangan kong gawin upang maligtas? Af kanilang sinabi, Manampalataya ka sa Panginoong Jesus, at maliligtas ka, ikaw at ang iyong sangbahayan.

JUAN 3:18 Ang sumasampalataya sa kaniya ay hindi hinahatulan; ang hindi sumasampalataya ay hinatulan na, Sapagka't hindi siya sumampalataya sa pangalan ng bugtong na Anak ng Dios.
JUAN 3:16 Sapagka't gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa kaniya y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.
I MGA TAGA TESALONICA 1:9 Sapagka't sila rin ang nangagbalita tungkol sa amin kung paanong nangakapasok kami sa inyo; at kung paanong nangagbalik kayo sa Dios mula sa mga diosdiosan, upang mangaglingkod sa Dios na buhay at tunay,

6) Ito ay isang walang hanggang Kaloob ng Diyos.
MGA TAGA EFESO 2:8 9 Sapagka't sa biyaya kayo y nangaligtas sa pamamagitan ng pananampalataya, at ito'y hindi sa inyong sarili, ito'y kaloob ng Dios, Hindi sa pamamagitan ng mga gawa, upang ang sinoman ay huwag mag mapuri.


7) Ngayon ay alam mo na kung paano makarating sa langit
I JUAN 5:13 ng mga bagay na ito ay isinulat ko sa inyo, upang inyong maalaman na kayo y mayroong buhay na walang hanggan, sa makatuwid ay sa inyong nananampalataya sa pangalan ng Anak ng Dios.

Magdasal sa Diyos para lligtas Ka sa ngalan ni Hesus
MGA TAGA-ROMA 10:10 Sapagka't ang tao'y nanampalataya ng puso sa ikatutuwid; at ginagawa sa pamamagitan ng bibig ang pagpapahayag sa ikaliligtas.